Kasado na ang tatlong bagong programa ng Kapamilya Network na ilulunsad ngayong Enero.
Handa nang humataw at paindakin ang buong Pilipinas sa pagbubukas ng World of Dance Philippines sa January 12 (Sabado). Uupong hurado sina Billy Crawford, Maja Salvador at Gary Valenciano. Noong nakaraang buwan, nagpasample na ang mga contestants sa trade event ng ABS-CBN.
For the first time, hosting duties naman ang gagampanan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, “I’m excited about the show. I’m glad that ABS-CBN trusted me with this project. I know I’m kind of new with hosting, but they’re teaching me well.”
Makakasama ni Pia si Luis Manzano na bukod sa World of Dance Philippines ay balik-hosting na rin sa Minute to Win it: Last Man Standing.
Pagdating sa Primetime teleserye, magpapasiklab na ang inaabangang The General’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin, “Finally, ito na. Ipapalabas na nga ang The General’s Daughter. I feel very honored and sana nagustuhan naman nila.”
Maaksyon, madrama, at sa trailer pa lang, nakakaintriga na. Kwento ni Angel, worth the wait ang kanyang pagbabalik primetime.
January 21 (Lunes) ang pilot episode ng serye pero sa mga susunod na buwan, ipapalabas na rin ang ilang bagong shows gaya ng Idol Philippines kung saan isa sa judges si Asia’s Songbird Regine Velasquez at Mea Culpa tampok si Jodi Sta. Maria.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv