Popular sa mga batang 90s ang dance steps ng iconic song na “Macarena.” Kabilang ang “Macarena” sa mga ihahataw sa throwback dance concert ng Manoeuvres, Streetboys, at Universal Motion Dancers.
Nagpa-sample ng kanilang mga nausong dance hits noong 90s ang tatlong grupo. Kwento ni Joshua Zamora ng Manoeuvres, “Talagang party ang format ng mga concert. So isa sa mga highlights din, after the concert itself is the party naman.” Sinegundahan ito ni James Salas ng UMD at sinabing “Talagang makikipagsayawan lahat ng mga nanood.”
Mangyayari ang naturang dance concert ngayong January 31 sa ABS-CBN Tent sa Vertis North.