Going strong ang KathNiel na may bagong role bilang travel ambassadors ng Japan. Dahil blessed sa trabaho, looking forward sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang plano ngayong Pasko.
Patapos na ang taon pero kayod pa rin sa trabaho sina Kathryn at Daniel sa latest shoot nila kay Direk Mark Mailey. Panay ang biro ni Daniel kay Kathryn na the best kung magkasama sila, “Package deal talaga kami. It’s been 8 years. Nagpapasalamat ako at hanggang ngayon ay todo ang suporta sa akin ni Kathryn at siyempre ang kanyang pagbabantay 24/7.”
“Hindi ko ‘to magagawa lahat mag-isa. Nagiging mas madali lahat kasi alam mo nandiyan siya,” ani Kathryn kay Daniel.
Ngayong 2018, pinatunayan ng KathNiel na unbeatable pa rin ang kanilang loveteam sa box office success ng “The Hows of Us” na lagpas 800 million pesos ang kinita worldwide.
“Of course sa mga fans, sila lang lahat ang may gawa nito so maraming salamat po,” pagpapasalamat ni Kathryn sa mga sumusuporta sa kanilang loveteam.
“Balak sana namin ni Kathryn mag-chip in na nang mabuo na ‘yang isang bilyon na yan,” biro naman ni Daniel.
Sa Bagong Taon, tuloy ang pagsasanib-pwersa ng KathNiel sa kanilang bagong papel bilang travel ambassadors ng Japan.
“It’s one of the favorites places namin ni Kathryn because of the culture, the people, the food,” kwento ni Daniel.
Pagkatapos ng mga lagare, much-deserved vacation ang regalo nina Kathryn at Daniel sa isa’t isa ngayong Pasko sa Japan at sa isa pang lugar.
“Bago naman kami umalis, magbe-beach kami nila DJ pati fans namin,” ani Kathryn.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv