Balik hardcourt si Daniel Padilla para paghandaan ang nalalapit na All-Star Game. Kasama ni DJ sa Team Red sina Ronnie Alonte, Ejay Falcon, Zeus Collins at iba pa.
Sa huling laban noong 2017 ay Team Gerald (Andeson) ang nanalo. Pressured to win ba ang team nila?
“Kami naman, enjoy lang. Wala naman talagang kompetisyon,” ani Daniel.
Time out muna si DJ sa kanyang shooting ng kanilang pelikulang “The Hows Of Us” mula nang makabalik sila ni Kathryn Bernardo sa The Netherlands. Kwento ni DJ, napakagandang lugar ng Amsterdam at isang warm welcome pa ang kanilang natanggap doon.
Nag-aabang na ang mga fans sa mga kilig scenes na kinunan sa Amsterdam, pero kinilig na agad ang lahat sa kumalat na video na tila hinahalikan ni DJ si Kathryn.
Nanghihinayang naman siya na hindi siya makakasama sa Marawi movie ng kanyang tito na si Robin Padilla dahil busy siya sa kanyang mga naunang proyekto. Hindi man siya makakasama sa pelikula, nangangako naman si DJ na full support siya sa paglabas nito.
Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv