Coming soon ang dalawang pelikulang hango sa totoong buhay – ang Luneta hostage crisis noong 2010 at ang pag-kidnap sa estudyante ng mga kapwa niya estudyante.
Sorpresa ang pag-reveal ng director na si Mikhail Red na si Sue Ramirez ang napili niyang gumanap sa inaabangang pelikulang “Dead Kids” na true-to-life story ng mga estudyanteng nangidnap ng kapwa niya estudyante sa Pilipinas. Kasama rin ni Sue sina Khalil Ramos, Markus Paterson at iba pang young stars.
“Ako naman po dito si Janina. Siya ‘yung pinaka-role model, siya ‘yung pinaka dapat i-look up ng mga teenagers. Malinis na character,” paglalarawan ni Sue sa kanyang karakter.
“Actually Sue and Markus, I saw them on “Babaeng Allergic Sa WiFi” kaya ko rin sila naisip,” ani Direk Mikhail.
Bukod sa “Birdshot”, ang unang Pinoy movie na napanood sa Netflix, sumikat si Direk Mikhail sa pag-direk ng horror thriller na “Eerie” nina Charo Santos at Bea Alonzo. Ni-reveal din niya na iba’t iba ang magiging ending ng “Eerie” sa international showings.
“Different cultures, they have different requirements and taste ng audiences so we had to tweak it a bit for their cultures,” dagdag pa ni Red.
Nakatakda ring gawin ni Direk Mikhail ang upcoming movie na “Black Z” nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Pinaka-biggest challenge niya ang pagsasapelikula ng madugong 2010 Luneta hostage crisis na pinamagatang “Grandstand.” Aprubado na ito ng co-producer ni Direk Mikhail na Asia Film Financing group ng Hong Kong.
Halos sabay na gigiling ang camera sa “Dead Kids” at “Grandstand” simula ngayong summer.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv