Marami nang auditionees ng Star Hunt: The Grand Kapamilya Audition ang natupad ang pangarap.
Kwento ng mga hosts na sina Melai Cantiveros, Alex Gonzaga, Kim Chiu at Robi Domingo, masaya sila kapag nagbibigay ng good news sa Star Dreamers.
Pahayag ni Robi, “Si Mommy Arlene, idol na idol niya ang Home Sweetie Home gang. Binigyan namin siya ng pagkakataong makapasok siya doon.”
Ibinahagi rin ni Chinita Princess ang pagtupad nila sa pangarap ng batang si Druce na makapasok sa FPJ’s Ang Probinsyano kasama ang kanyang ama.
Sa kwentuhan kasama ang Star Hunt hosts, ibinahagi nila na may mga pangarap pa rin sila na gustong matupad. Si Kim ay inaasam pa raw na Hollywood dream. Kakaiba naman ang dream ni Melai, ang maging Star Patroller na nagawa na ni Kim.
Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv