Unang episode pa lang ay tinutukan agad ang pagbabalik ng Asianovelang nagsimula ng lahat, ang Meteor Garden.
Maraming kinilig nang ipakilala kanina ang bagong F4 at Shan Cai at kung paano nag-krus ang kanilang landas.
Trending ang Meteor Garden sa Twitter kaya’t excited ang mga bida na makilala nang personal ang Pinoy fans.
Ayon sa gumaganap na Dao Ming Si na si Dylan Wang, gusto niyang pumunta ng Pilipinas kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Sina Caesar Wu at Connor Leong naman na gumaganap bilang Xi Men at Mei Zuo, may mga kaibigan nang nakapag-bakasyon sa Pinas at si Hua Ze Lei na si Darren Chen naman, gustong makita nang personal ang Pinoy fans dahil sa mainit na suporta sa Meteor Garden.
Buhos din ang pasasalamat ng bagong Shan Cai na si Shen Yue sa Filipino fans na nag-abang sa Meteor Garden. Nagpapasalamat din siya sa original F4 at Shan Cai na malaking tulong sa kanilang pagganap sa 2018 version ng hit series.
Inaasahang iinit pa ang Meteor Garden fever sa bansa lalo’t sunod namang aabangan ang mala aso’t pusang away nina Dao Ming Si at Shan Cai.
Ang buong detalye sa pinaka-aabangang Asianovela sa pagpa-Patrol ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv