Patuloy ang pag-move on ni Vhong Navarro sabay sa pinal na dismissal ng Department of Justice ng kasong rape at attempted rape na sinampa ni Deniece Cornejo laban sa aktor. Giit ng DOJ, walang basehan ang reklamo.
Ayon sa manager ni Vhong na si Direk Chito Roño, patuloy ang kanilang pasasalamat at may hustisya pa rin.
Good vibes naman si Vhong sa balitang pangunahing entry ang pelikula niyang “Unli Life” sa Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP sa Agosto.
Pasan ni Vhong ang proyekto na puno ng mga bagong artista tulad ng It’s Showtime Funny One winner Donna Cariaga at beauty queen na si Winwyn Marquez.
Tungkol sa time travel ang “Unli Life” at kung paano maitatama ang nagawang mali sa buhay. Riot ang dating nina Vhong at Donna lalo’t kinonek pa ito sa paghahanap daw ni Donna sa ex niyag si James.
Dinaan na lang sa biro ni Vhong ang salpukan sa takilya sa PPP sa Agosto. Kabilang sa mga makakatapat ni Vhong ang mga pelikula nina Sue Ramirez, Bela Padilla, at Erich Gonzales.
Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv