Pinangunahan ng mga bigating OPM stars ang dalawang big party sa New Year’s eve sa 2019.
Siyam na sabay-sabay na countdown parties ang paandar sa Resorts World Manila kagabi. Pinangunahan ni Sarah Geronimo ang all-out entertainment sa grand countdown ng Marriott Grand Ballroom. Kasama niyang naki-party sina Ronnie Liang, Randy Santiago at Giselle Sanchez. May librang pa-concert din sa The Plaza sina Ely Buendia, The Ransom Collective, The Drivers Band at Alex Calleja.
The best OPM bands din ang nakipagrakrakan sa Eastwood City sa kanilang ika-sampung New Year’s Eve Party na pinangunahan ng December Avenue, Ben & Ben, at IV of Spades. Naki-join din sina Moira dela Torre at Karylle sa kasiyahan ilang minuto bago ang countdown.
“I feel very very blessed. My first album launch this year was held in the same place so I’m very happy to be ending it in the same place,” ani Moira.
“I’m so happy, 2018 is such a great year for music. I proudly played an all original set!” ani naman ni Karylle.
Tumodo pa ang excitement pagsampa ni Bamboo ng stage at kahit pa bumuhos ang ulan, wala nang alisan hanggang sa tumawid na sa inaabangang countdown at star drop.
Makulay na confetti, grand fireworks display at non-stop na ang sayawan pagpatak ng alas dose. Tumagal ng labinlimang minuto ang firewoks display na agad sinundan ng high energy performance ni Bamboo.
Para sa pami-pamilya, magkakaibigan at magbabarkada, the best ang salubong sa 2019 nang sama-sama at umaapaw na saya.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv