Mahigit isang taon na mula nang tanghaling kauna-unahang Pinay na grand winner ng reality competition na “Asia’s Next Top Model” ang Filipino-German model na si Maureen Wroblewitz. Tinawag pa ng franchise owner ng “Top Model” na si Tyra Banks na Pinoy Queen si Maureen.
Busy naman ngayon si Maureen sa kaliwa’t-kanang proyekto at paglipad sa iba’t ibang bansa matapos ang kanyang pagkapanalo.
Hanggang ngayon, baon pa rin niya ang mga natutunan sa kompetisyon. Mahalaga sa kanya ang maging role model at maka-inspire ng young girls.
Nang manalo noong isang taon, binanggit niyang gusto niyang sumabak sa acting. Nasimulan niya na ba ito?
“I’ve been too busy travelling around and once I get more settled down, that’s what I wanted to try acting,” ani Maureen..
Bukas din ang pinto ni Maureen na sumabak sa beauty pagent.
Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv