Ramdam na ng Kapamilya stars ang Christmas rush at may kanya-kanya na silang plano ngayong holiday season.
Abala man bago ang Pasko, kilig pa rin si Angel Locsin sa buhos ng papuri sa trailer ng The General’s Daughter. Walang double si Angel sa kanyang papel bilang first Lieutenant Rhian Bonifacio kaya’t hindi raw niya maiwasang masugatan.
“Actually nung tinanggap ko, hindi ko ineexpect na gano’n pala siya kahirap pero ako naman kasi, I’m always up ‘pag may mga gano’ng klaseng challenges, parang nagigising ako,” ani Angel.
Lagari man sa taping, looking forward si Angel sa kanyang holiday plans kasama ang pamilya, “Dapat sa bahay pero ngayon, not sure. Si Daddy kasi iniisip magbakasyon so depende pa rin sa Daddy ko.”
May ilang bituin ding nag-umpisa nang magbakasyon, gaya ni Zsazsa Padilla sa Japan. Doble naman ang saya ni Iza Calzado sa Pasko matapos ang beach wedding niya sa negosyanteng si Ben Wintle sa Palawan. Glowing si Iza sa kanyang bridal gown habang trending din ang kanilang underwater engagement shoot.
Si Regine Velasquez naman, tinapos na ang trabaho para sa taong 2018. Target niyang mag-recharge sa Pasko bago sumabak sa Idol Philippines. Ibinahagi ng Asia’s Songbird na pupunta sila ng Japan ngayong holiday.
Pero si Yam Concepcion, kayod pa rin dahil extended ang top-rating seryeng Halik.
“Wala na munang bakasyon, cancel na muna, work work work… ‘yung US trip ko, na-cancel ‘yon,” ani Yam.
Gayunpaman, thankful pa rin si Yam sa buhos ng blessings sa kanyang career ngayong 2018.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv