#SummerGoals nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, at Donny Pangilinan ang matapos ang kanilang movie na “James & Pat & Dave”.
Ayon sa direktor na si Ted Boborol, pagpapatuloy ito ng kwento ng movie na “Vince & Kath & James” kung saan si Ronnie ang gumanap na James kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.
“This time, ifa-follow namin ‘yung kwento ni James. At the end of the movie, si James ‘yung taong hindi pinili. So naisip namin ng grupo ng Star Cinema na what if ikwento naman natin ‘yung love story ng taong hindi napipili,” ani Ted.
Matapos maoperahan ang tuhod, pakiramdam ni Ronnie, back to start siya sa pag-arte. At ang kanyang real-life girlfriend na si Loisa at si Donny, parehong first time na sasabak sa lead role.
“Ang tanggal kong natengga, Showtime, Hashtag, so eto na ulit ‘yun. Kung baga sa akin, eto ‘yung starting ko ulit. Kung baga, bagong Ronnie ulit,” ani Ronnie.
“Excited ako kasi ‘yung character ko hindi siya nalalayo sa akin, ‘yung ganito, jologs, palengkera, taong kalye, kasi gano’n naman ako,” pahayag naman ni Loisa.
“I believe this is also my biggest break,” masaya namang sinabi ni Donny.
Wish ni Ronnie, sana makapag-cameo role ang JoshLia sa kanilang bagong pelikula.
Napapanood ngayon sina Ronnie at Loisa sa Primetime teleserye na The General’s Daughter. Samantalang si Donny naman ay bahagi ng morning teleserye na Playhouse.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv