Ginanap sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN ang Grand Press Conference ng talent search na Your Moment nitong Ocotber 21 (Lunes).
PHOTOS: Your Moment Grand Presscon
Ito ang pinakabagong 2-in-1 talent competition ng Kapamilya network. Dalawang stage ang sabay na gagamitin para sa naturang show: ang isa ay para sa singing at ang isa naman ay para sa dancing. Hosts ng naturng programa sina Luis Manzano at Vhong Navarro, habang judges naman sina Boy Abunda, Nadine Lustre at Billy Crawford.
Kwento ni Luis, layon ng show na pagsamahin ang dalawa sa pinakatanyag na talento ng mga Pinoy sa iisang screen. Para naman kay Nadine, marami mang magaling, mas mangingibabaw pa rin ang determinasyon ng mga contestants. Hanap ni Billy ang talento na magniningning hindi lang para sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Habang ang King of Talk naman ay mas gustong tingnan ang tapang ng mga contestants.
Mapapanood na ang Your Moment simula November 9 (Sabado) sa ABS-CBN.