Sa nalalapit na Mother’s Day, inalala ng ilang mga celebrities ang kanilang butihing ina habang may mga first-time mom ding magce-celbrate ngayong linggo tulad nina Kylie Padilla, Nikki Gil, Isabelle Daza, Liz Uy at Kaye Abad. Sa kanilang photos sa Instagram, ramdam ang unconditional mommy-baby bonding moment nila.
Nagdagdagan naman ng bagong bundle of joy ang pamilya Gutierrez sa pagdating ni Baby Kai. Kwento ni Annabelle Rama, loving lola and nanay ang role niya ngayon.
Bago pa man ang kanyang TV comeback sa Bagani, ang pagiging hands-on mommy ang 24/7 role ni Kristine Hermonsa sa kanyang apat na anak.
Kahit malayo sa mga magulang, naramdaman naman ni KZ Tandingan ang mother’s love lalo na nang dumaan sa personal crisis.
Mapa anak, first-time mom, stay-at-home nanay o lola, ang pagmamahal ng isang ina ay walang sukat, walang kapalit, at walang pinipilit na panahon. Panoorin ang advance Mother’s Day report ni MJ Felipe.