Sa isang media conference para sa second generation ng all-girl singing group na MNL 48, ipinakilala ang bagong center girl na si Ali na siyang magiging lider ng grupo sa pangalawang taon. Pero dahil bago pa lang sa grupo, aminado si Ali na marami pa siyang dapat na matutunan.
“The way I talk, and the way I interact with other people po and confidence pa po,” ani Ali.
Promise naman ni center girl Ali na pagbubutihan niya at ihahandog ang lahat ng performance sa lahat ng fans at MNL 48 members.
“This is the new beginning, the new chapter of MNL 48 and I will dedicate this to all the fans,” mensahe pa ng center girl.
Nagbigay patikim pa si Ali ng mga dapat abangan sa MNL 48 sa mga darating na buwan.
“Mga bagong songs po, bagong wardrobe at bagong theater.”
Suportado si Ali ng MNL 48 members kaya’t positive ang lahat na mas dadami pa ang kanilang followers sa ikalawang taon.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv