Trending at talk of the town ang mga eksena sa glamorosong ABS-CBN Ball 2018. All eyes ang lahat sa mga binansagang Best Dressed at love teams na magkasama sa ball. Pero ang highlight ng event ang pagsasama-sama para sa isang proyekto.
Ilan sa mga loveteams na hindi lang nagpakilig kundi nagpa-wow din sa red carpet ng ABS-CBN Ball ang KathNiel, LizQuen, MayWard, CarGel, JoshLia, JaDine at BeaRald.
Pati sa mga big stars gaya nina Anne Curtis, Kim Chiu, Coco Martin, Piolo Pascual, Jericho Rosales at ang inabangan ng mga fans na real-life couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ay agaw eksena rin.
Itinanghal na Best Dressed sina Erich Gonzales at Jericho Rosales at Beautiful Star of the Night si Maymay Entrata.
Nag-perform para sa mga bisita sina Daniel Padilla, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jona at iba pa.
Ang pinakasentro ng gabi, ay ang relaunching ng Bantay Bata 163 Children’s Village. Pinangunahan ni Vice Ganda ang paghihikayat sa mga kapwa artista na tumulong na mag-donate para sa kapakanan ng mga bata.
Isa sa mga unang nag-donate ay ang Regal Films matriarch na si Lily Monteverde na nagbigay ng one million pesos.
At sa kanyang pagdalo sa ABS-CBN Ball, nag-pledge si Asia’s Songbird Regine Velasquez na muling gagawa ng isang benefit concert para sa Bantay Bata 163 sa susunod na taon at itataon niya ito sa kanyang kaarawan.
Ang buong kaganapan sa prestihiyosong Kapamilya event sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv