Pasabog ang 7th anniversary episode ng Gandang Gabi Vice. Sa taping ng nasabing episode, makikitang naging emosyonal si Vice Ganda sa gitna ng kanyang tell-all interview sa King Of Talk na si Boy Abunda.
Ang espesyal na episode ng programa ay may temang “GGV PInakamasaya TO! The 7th Anniversary Special”. Mapapanood sa teaser ng episode ang iba’t ibang kwelang segments na dapat abangan kabilang ang “Guilty or Not Guilty” segment niya kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Lassy at MC at ang kanyang guest interrogator na si Gus Abelgas.
To the next level naman ang kulitan sa segment na “Dugtungan” kung saan nakalaban ni Vice ang kapwa niya mga komedyanteng sina Ethel Booba at K Brosas.
Isang masayang trip din ang sasakyan ng mga Kapamilya sa isang road trip ng Unkabogable Star kasama ang National Sweetheart at ang co-host niya sa It’s Showtime na si Anne Curtis.
Abangan lahat ng pinakamasayang moments sa GGV ngayong Linggo (June 3), pagkatapos ng I Can See Your Voice sa ABS-CBN.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv