Inilabas na ng Gawad Pasado Awards ang listahan nila ng sampung pinakamahuhusay na pelikula na inilabas sa taong 2018, at dalawa dito ay produced ng Star Cinema at pinagbibidahan ng Kapamilya celebrities.
Una na riyan ang “Kasal” na pelikulang pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na binigyang direksyon ni Ruel Bayani. Ang “Kasal” ay bahagi ng 25th anniversary ng Star Cinema. Kumita ito ng halos 200 million pesos sa takilya at umani ng papuri sa mga kritiko.
Kasunod ang “The Hows of Us” na isa sa biggest movies ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Sumampa na sa 1 billion box office gross ang pelikula noong February 2019.
Kasama rin sa listahan ang pelikulang “School Service”, “Bomba”, “Ariya”, “Rainbow’s Sunset”, “Kuya Wes”, “Goyo: Batang Heneral”, “ML” at “Spoken Words”.
Ang Gawad Pasado ay binubuo ng mga guro sa iba’t ibang unibersidad at pamantasan na naniniwala na mabisang instrumento ang pelikula sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Magaganap ngayong 2019 ang ika-21st Gawad Pasado na wala pang inilalabas na detalye.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv