Bigatin agad ang bubungad sa 2019 dahil sa mga bagong palabas na handog ng ABS-CBN. Nagbigay ng patikim sa mga new shows ang Kapamilya Network sa Family Is Love Christmas Trade Event nitong November 27 (Martes).
Opening number pa lang, humataw na agad ang ilang contestants at tatlong judges na sina Billy Crawford, Gary Valenciano at Maja Salvador ng dance show na World of Dance Philippines. Sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach naman ang tatayo bilang hosts.
“I know I’m kind of new with hosting but they are teaching me well,” kwento ni Pia.
Magbabalik ulit ang Minute to Win it at aarangkada na rin sa first quarter ng 2019 ang Idol Philippines kung saan isa sa judges ay si Regine Velasquez-Alcasid na nag mini concert kagabi at kumanta ng theme song ng The General’s Daughter. Powerhouse ang casting ng serye sa pangunguna ni Angel Locsin.
“Kahit hawakan mo ang kamay ko, ang lamig ngayon. Lahat kami kinakabahan. Happy ka ba? Alam mo ‘yung gano’n kasi finally eto na,” ani Angel.
Kakaibang serye naman ang pagbibidahan ni Jodi Sta. Maria sa Mea Culpa. Naki-join din sa mga advertisers at trade partners ang cast ng Ngayon at Kailanman at ang world class performers ng ASAP Natin ‘To, Kadenang Ginto, Halik, FPJ’s Ang Probinsyano, Nang Ngumiti Ang Langit, Los Bastardos, at hosts ng Pinoy Big Brother Otso.
Pinasilip din ang first quarter movies ng Star Cinema at Black Sheep, kabilang na ang “Eerie”, “Heart of Mine”, “Sakaling Maging Tayo”, “Open”, at ang pelikula ng LizQuen.
Dagdag kilig din sa trade event ang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber) at LoiNie (Loisa Andalio at Ronnie Alonte) loveteams na kasama sa MMFF movie na “Fantastica”.
Pero hindi rin nagpatalo sa pagpapakilig ang iWant “Glorious” pair nina Angel Aquino at Tony Labrusca.
Ang buong kaganapan sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv