Hataw sa ratings ang World of Dance Philippines at ang Minute To Win It: The Last Man Standing kung saan nanalo ng 1 million pesos si Zeus Collins. Tutok din ang lahat sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan usap-usapan kung may aalis bang mga karakter.
Maiinit na hamon ang kailangan mong matapos sa loob ng isang minuto kaya walang inaksayang oras ang Minute To Win It: Last Man Standing na nakuha agad ang all-time high ratings sa kanilang pagbabalik.
“We’re very thankful sa nakikita nating trend, sa mga tao, sa ratings, ‘di ba, we barely hit our second week but for our last two days namin, nag-all-time high na kami,” ani ng host ng gameshow na si Luis Manzano.
Sa unang linggo, trending ang pagkapanalo ni Zeus Collins ng isang milyong piso.
“Nagulat nga ang lahat na ‘yung challenge na ‘yon. Pero kasi ‘yung bootcamp na ginagawa namin kung baga ‘yung rehearsal room where they can try the games beforehand, hindi magawa ni Zeus ‘yon. Hirap si Zeus do’n sa challenge na yo’n, so nara-rattle siya. So nagulat kaming lahat,” dagdag pa ni Luis.
Bagong pasabog din ang Minute To Win It Barangay kung saan dinadala ang show sa iba’t ibang lugar para makakuha ng studio players.
Blessing din kay Luis na humataw sa ratings ang pilot weekend ng World of Dance Philippines na trending nationwide at worldwide.
“We’re showing another facet of Pinoy talent na ‘yung mga Pinoy dancers natin, kayang-kaya nating ilaban sa buong mundo.”
Matatag din ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano pero tila may paramdam na maraming karakter ang kailangang magpaalam.
Kagabi, nagsimula ang kasalan ng mga karakter nina Lito Lapid at Angel Aquino na sina Romulo at Diana.
Inaabangan kung paano magpapaalam si Pinuno bago mag-umpisa ang official senate at partylist campaign period sa February 12. May bagong kabanata rin sa mga karakter na tatakbo sa local positions bago ang simula ng kanilang kampanya sa Marso.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv