Ibinida ni Andi Eigenmann ang kanyang baby bump habang nasa pool.
Sa caption niya sa kanyang Instagram post, sinabi niyang medyo hirap siya sa pagbubuntis.
“Have been experiencing every pitfall of pregnancy hormones specially because of the heat. But I will always be a girl of summer and what’s important is, there’s always a bright side to everything!” ani niya sa post.
Ibinahagi rin ni Andi sa isa pa niyang post na 15 weeks pregnant na siya.
“Albeit over 15 wks pregnant, Im glad to have witnessed a couple of my friends’ milestones, and to have made even more memories together. But I can’t wait to go back home and be with the rest of my fam.”
Noong February 1 (Friday) unang inannounce ni Andi sa kanyanyang IG account na ipinagbubuntis niya ang anak niya sa surfing champion na si Philmar Alipayo.
Sa kanyang interview sa Tonight With Abunda noong October 2018, ikinuwento ni Andi na nagkakilala sila ni Philmar noong nagbabakasyon siya sa Siargao.
Ang panganay na anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie ay 7 years old na ngayon.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv