Ibang klase ang kakulitan ni Lino sa set ng Halik!
Sa video na inupload sa Instagram, ginulat ni Jericho Rosales ang direktor ng teleserye na si Cathy Camarillo.
Ang ginawa ng aktor, pinagkasya niya ang sarili sa isang maleta saka ito lumabas para gulatin ang direktor.
Kakuntsaba niya ang ibang cast ng nasabing teleserye sa isinagawang prank sa direktor. Makikita naman ang pagkakagulat ng direktor nang biglang lumabas sa maleta si Jericho.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv