Proud si Marlo Mortel na mapabilang sa cast ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na “One Great Love.” Aniya, dream come true na makatrabaho sina Kim Chiu at JC de Vera sa pelikula.
Isa ang Umagang Kay Ganda segment host na si Marlo Mortel sa supporting cast ng “One Great Love” ng Regal Entertainment.
Sa media conference ng pelikula, hindi napigilan na balikan ni Marlo ang mga panahon na binubuo nila ang pelikula at ang mga huling sandali kasama ang kanyang ina.
“May time kasi na ‘yun na ‘yung last day ng mom ko tapos kinabukasan namatay siya so hindi ko talaga alam kung dapat ba na nandodo’n ako sa Tagaytay to shoot this pero nag-commit kasi ako so kahit gano’n na ‘yung kondisyon ng mommy ko, nando’n ako first time ko sa set, iyak ako nang iyak,” kwento ni Marlo.
May pinagdadaanan man sa personal na buhay si Marlo, malaking karangalan sa kanya na makasama ang lead stars ng “One Great Love” na iniidolo niya.
“Kung ano yung makita n’yo on screen, that’s what she is, mabait. Pero si Kuya JC hindi ko pa siya nakaka-scene eh pero honored ako na maging part of this cast,” pagbabahagi niya.
At sinagot din ni Marlo ang katanungan kung nakilala niya na ba ang kanyang inspirasyon.
“Hindi naman tayo pwedeng forever sa madaming tao, ‘di ba, so talagang nasa isang tao lang talaga and I think it comes with a perfect timing and ‘pag naramdaman mo sa heart mo na talagang siya na, better stick to it.”
Kasama sa walong official entries ng 2018 MMFF, ipapalabas ang “One Great Love” sa December 25.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv