Isang maagang pamasko ang nakuha nina Alex Gonzaga at ng kanyang ate na si Toni Gonzaga dahil nakapasok ang kanilang pelikulang “Mary, Marry Me” sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Naging malaking tulong daw sa kanya ang mga ilang puna at comments ng netizens sa kanyang video posts.
Extra happy si Alex dahil pasok bilang official entry ng 2018 Metro Manila Film Festival ang pelikula nila ng kaniyang ate. Aminado si Alex na hindi nila inaasahan na mapasama sa malakihang festival.
“Napag-usapan namin ni Ate, hindi na kasi kami nag-expect kasi nabalitaan namin, 16 ‘yung nagpasa, and then four lang ang makukuha. Pero nung napasok kami, parang hindi kami makapaniwala kasi naalala namin, nung bata kami nanonood lang kami ng MMFF, pumipila pa kami,” ani Alex.
Hindi na iniisip ni Alex ang kita sa box office basta’t ang goal nila ng kanyang ate ay makagawa ng pelikula.
“Hindi naman namin na iniisip ni Ate. Sabi namin, alam mo, the fact na nakasama tayo sa MMFF, okay na ‘yon. That’s enough na. And then kung may manood sa atin, makasama tayo sa option, it’s enough to be part of the celebration of Filipinos,” dagdag pa niya.
Sa pagiging vlogger naman, aminado si Alex na hindi maiiwasan ang mga negatibong reaksyon mula sa mga netizens pagdating sa kanyang sense of humor.
“Alam ko naman na ‘yun na humor is not really for everyone and then syempre, we will always have room for improvement and nagpapasalamat pa rin tayo na kahit papaano nire-remind tayo.”
Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv