Excited na sina Vice Ganda at Regine Velasquez-Alcasid para sa kanilang three-night back-to-back concert sa Pebrero.
Sa February 14, 15 at 16 mapapanood ang concert at gaganapin ito sa Araneta Coliseum.
Dream come true para kay Vice ang makasama si Regine sa concert lalo na’t aminadong big fan siya ng Asia’s Songbird.
Sabi pa ng Unkabogable Star, hindi niya malilimutan ang kabaitan ni Regine kahit noon pa man. Iniimbitahan daw sila noon ni Regine sa kanyang bahay kasama ang kanyang kaibigang stand-up comedian na si Anton Diva at pinapasukat pa umano ni Regine ang kanyang mga damit at sapatos sa kanila at kung may magkasya ay kanila na.
Wish nga ni Vice na makasama sa kanilang concert si Anton Diva dahil die-hard Reginian ang kanyang kaibigan.
READ on PUSH: Vice Ganda recalls how Regine Velasquez first welcomed him into her home
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv