Nagce-celebrate ngayon ang McLisse fans dahil malapit nang ipalabas ang unang pelikula na pagbibidahan ng tambalan nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Pinamagatan itong “Sakaling Maging Tayo” na under Star Cinema at Black Sheep Productions.
Ayon kay Elisse at McCoy sa media conference ng pelikula, hindi sila nainip at nagtiwala sa timing ng paggawa nila ng launching project na babagay sa kanila.
“Hindi inip eh, ‘yung excitement, ‘yung uhaw na parang sana, meron na. Pero ‘yung inip ko parang right timing lahat kahit na ang tagal ng proseso,” ani Elisse.
Sa Baguio nag-shooting ang pelikula at panay ang kulit ng showbiz media kung dumating ba ang pagkakataon na naging espesyal na sa isa’t isa sina McCoy at Elisse.
“Hindi ko naman po masasabi na wala pero meron, meron po. Hindi ko naman maitatanggi ‘yun kasi off cam, on cam, makikita n’yo naman sa amin ‘yun eh,” ayon naman kay Mccoy.
At para naman kay Elisse, sikreto ng maganda nilang tambalan ang natural nilang chemistry na makikita sa kanilang samahan.
Ipapalabas ang “Sakaling Maging Tayo” sa January 16 (Wednesday).
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv