Nakatakdang mapanood sa isang Korean drama ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon.
Gaganap si Ejay bilang isang OFW sa K-Drama na “Where Stars Land”.
Sa mga litratong ibinahagi ng Star Magic, makikita si Ejay na kasama ang mga bida ng serye na sina Lee Je-Hoon at Chae Soo-bin. May litrato din siya sa shooting ng nasabing K-Drama.
Espesyal ang proyektong ito kay Ejay dahil nagdiriwang siya ngayon ng 10th anniversary sa showbiz simula nang maging big winner siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Ang teleseryeng The Blood Sisters ang huling proyekto ni Ejay kung saan nakasama sina Erich Gonzales at Enchong Dee bago sumabak sa kanyang K-Drama shooting.
Read on PUSH: Ejay Falcon to appear in upcoming K-Drama ‘Where Stars Land’
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv