Mixed emotions sina Liza Soberano at Enrique Gil sa last taping day nila para sa top-rating fantaseryeng Bagani.
Sa pagpunta ng Umagang Kay Ganda crew sa set, aminado ang LizQuen na ito ang pinaka-challenging at humamon sa kanilang talento.
Bilang Lakas at Ganda, natutunan nina Liza at Enrique sa serye na dapat alam nila ang kailangang gawin para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon naman kay Liza, maraming magwawakas at maraming magsisimula sa huling yugto ng Bagani.
Mapapanood na mamaya ang ending ng Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv