Kanya-kanyang salubong ng Chinese New Year ang mga celebrities.
Nag-share ng mga litrato si Chinita Princess Kim Chiu ng pagdiriwang niya at ng kanyang pamilya sa pagpasok ng Year of The Pig.
Si KC Concepcion naman ay nag-post ng litrato kasama ang isang pot belly pig. Dagdag ni KC, nadiskubre niya sa isang DNA test 10 percent Chinese siya.
Iba naman ang gimik ni Unkabogable Star Vice Ganda na nag-post ng video niya na habang nagli-lip sync sa isang Chinese song.
Nag-share din ng Chinese New Year greetings sina It’s Showtime host at Itchyworms frontman na si Jugs Jugueta at ang Umagang Kay Ganda host na si Gretchen Ho.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv