Si Angel Locsin ang choice ng Dreamscape Entertainment Television na bida sa teleseryeng The General’s Daughter, ayon ito sa creative head ng Dreamscape na si Rondel Lindayag.
Gusto nilang gumanap si Angel bilang si Rhian Bonifacio buhat nang ibato nila ang kwento ng teleserye higit apat na taon na ang nakalilipas. Pero hindi pa available noon si Angel na naghahanda naman para sa pelikulang “Darna”.
Paliwanag ng Dreamscape, fit si Angel sa role dahil sa kanyang karisma.
Sa Lunes (January 21) na ipapalabas sa Primetime Bida ang The General’s Daughter na binansagang the biggest teleserye of 2019. Kwento ito ng sundalong pinalaki para patayin ang amang heneral na ginagampanan ni Albert Martinez.
Catch Angel Locsin on The General's Daughter this January 21!
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv