Umabot na nga sa milyun-milyong piso ang bidding sa iconic blue gown ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na i-dinesenyo ni Albert Andrada. Inamin ng designer na dumoble na ang value ng gown mula sa orihinal na halaga nito na kalahating milyong piso, ngunit i-giniit niyang wala siyang balak gumawa ng replica kahit pa may mga gumagaya na nito na ipinagbibili ng mura sa Divisoria. Ano naman kaya ang masasabi niya sa mga naging kritisismo sa ibang gowns na kanya ring i-dinesenyo na i-sinuot naman ng beauty queen sa parade at courtesy call nito sa Malacanang? Panoorin ang kanyang interview sa Umagang Kay Ganda
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv