Inilabas na ang teaser ng inaabangang pelikula nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na may title na “Exes Baggage” na sa direksyon ni Dan Villegas.
Clueless pa ang netizens sa kwento ng “Exes Baggage” pero excited sila sa mga hugot line ng mga karakter nina Carlo at Angelica.
Makikita sa inilabas na teaser video ng pelikula na tila nag-uusap ang mga karakter nina Carlo at Angelica sa isang bar at mukhang masaya ang kanilang kwentuhan.
Matatandaan naman na dating magkarelasyon ang dalawa at ngayon ay panay ang kanilang pagpapakilig sa kanilang mga fans ng mga sweet photos nila sa Instagram. Sa isang video post sa Instagram, mapapanood na biglang pumasok sa likuran ni Angelica si Carlo at niyakap ito sabay halik sa kanyang leeg.
Read on PUSH: Carlo Aquino and Angelica Panganiban to work on a movie together
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv