Usap-usapan ngayon ang bagong post ni Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account.
Sa post, inamin ng aktres na kasalukuyan siyang nasasaktan pero dagdag niya, na-appreciate niya ito dahil ibig sabihin daw nito ay nagmamahal na raw siya.
“Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na-appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ‘ko ulit. Totoong nagmamahal na 'ko. ULIT! MAGDIWANG!" ani Angelica.
Iba-iba naman ang reaksyon ng fans sa nasabing tweet at tanong nila kung may kinalaman ba ang tweet ni Angelica sa kanyang huling post sa Instagram na nagsabing lalayo na siya sa Playhouse co-star niyang si Carlo Aquino.
Read: Angelica Panganiban: ‘Nasasaktan na ‘ko ulit. Totoong nagmamahal na 'ko’
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv