Kinansela ni Lea Salonga ang kanyang mga shows sa Hong Kong at Singapore kasunod ng aksidenteng nangyari sa kanya habang nasa Japan.
Naaksidente ang Broadway Diva habang nagi-ski ito sa Hokkaido noong isang linggo.
"I am making this video from the beautiful Hokkaido in Japan where my family and I are having a fun ski vacation. Now I am making this video just to let you know that I am taking a couple of extra items in my luggage namely a pair of crutches. I broke my leg on a slope. Clearly I have not earned the art of stopping. I crushed really hard and I broke my tibia," ani Lea sa kanyang video na ipinost sa Instagram.
Sa kanyang post, sinabi niyang inabisuhan siya ng mga doktor na tatagal pa ang recovery time ng kanyang bali at hindi siya papayagan bumiyahe ng ilang buwan.
Tiniyak naman ni Lea sa mga fans na may bago siyang schedule sa kanyang mga shows.
Read: Lea Salonga got injured during ski trip in Hokkaido
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv