Masaya ang love life ng bida sa Wildflower na si Maja Salvador na umaming “dating” ang status niya ngayon. Hindi binigay ni Maja ang pangalan ang kanyang ka-date sa kasalukuyan ngunit sinabi niya na ito raw ay dati niyang kaklase sa high school. Matagal na raw magkabarkada ang dalawa kaya malakas ang pundasyon ng kanilang relasyon. Kahit na busy ang schedule ang aktres, sinabi niya na hindi naman ito balakid para sa kanilang dalawa.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv