• WEEKDAYS AFTER WILDFLOWER
  • WEEKDAYS AFTER WILDFLOWER
Tubig at Langis: 8 Palatandaang Nangangaliwa Siya Part 2

3. He starts smelling differently. Alam mong may kakaibang nangyayari kapag pabango na ng ibang babae ang naaamoy mo sa kaniya, o di kaya’y scent ng sabon na wala naman kayo sa bahay.

4. Nakakarinig ka na sa ibang tao na nakikita ang nobyo o mister mo sa mga lugar na wala naman siyang reason puntahan. At kapag tinanong mo kung kumusta ang araw niya o kung saan siya pumunta, he mumbles a quick reply and turns evasive. Biglang kailangang magpahangin sa labas kahit kararating lang niya ng bahay? I don’t think so!

5. May ‘seemingly innocent’ text messages sa phone niya na galing sa isang number na hindi naka-save. Paano mo naman masasabing na-send lang sa wrong number kung maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkakalagay ng pangalan ng boyfriend o asawa mo sa text? “Hi, Natoy. Busy ka?” This clearly means he knows the sender, so bakit nga hindi naka-save ang number?

used pbb247.com
1 | 2 | 3