• WEEKDAYS AFTER WILDFLOWER
  • WEEKDAYS AFTER WILDFLOWER
Tubig at Langis: 8 Palatandaang Nangangaliwa Siya

Hindi mo masabi kung kailan nagsimula o kung ano ba ang nag-iba. Ang alam mo lang, may nagbago. Kahit ano’ng gawin mo, hindi maalis sa isip mo na may iba na siyang iniisip, na puwedeng may iba na’ng mahal.

Pero imposible yun, hindi ba, dahil nangako kayo sa isa’t isa, kaya paano niya magagawang maghanap ng iba? Baka insecurities mo lang yan o masyado ka lang naglalagay ng ibang pakahulugan sa mga bagay-bagay. After all, mahal ka raw niya, ‘di ba? But still, may kasabihan tayo na, “Kapag may usok, may apoy.” Kaya paranoia lang ba o talagang may dahilan ka para magduda?

Bago pa masira ang iyong ulo kakaisip kung walang-basehang selos lang ang iyong nararamdaman, relaks ka lang muna. Thankfully, there are 8 signs we have learned from Tubig at Langis that can help confirm kung may babae nga ba talaga ang iyong asawa o kasintahan. Read on para hindi ka magaya kay Irene (Cristine Reyes) na huli na nang malaman na naakit na ni Clara (Isabelle Daza) ang kaniyang asawang si Natoy (Zanjoe Marudo).

1. Matapos ang isang pagtatalo ay umaalis siya nang wala man lamang pasabi at hindi uuwi buong gabi. Magdamag kang tumatawag, nag-tetext, at naghihintay sa kaniya pero parang basta na lang siyang nawala sa balat ng lupa.

2. Bigla-bigla siyang umaalis kahit dis-oras na ng gabi, na wala man lang matinong explanation. Kapag tinanong mo kung saan siya pupunta, he comes up with some lame excuse na may emergency sa trabaho o may biglaang lakad ang tropa, sabay sibat bago ka pa makapag-follow-up question.

1 | 2 | 3