• SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
Steph Yen Jillian The Voice Teens Final 3

Magkakaalaman na kung sino kina Steph, Yen, at Jillian ang hihiranging susunod na grand champion ng "The Voice Teens" sa nalalapit nitong live finals ngayong Sabado at Linggo (May 18 at 19) sa A2Z, TV5, at Kapamilya Channel.

Sa semifinals episode nitong Linggo (May 12), napili na nina coach Martin Nievera, KZ Tandingan, at Bamboo, pati ng taumbayan ang Final 3 teen artists na magtatapatan sa grand finals.

Naunang umabante sa final round ang MarTeam hopeful na si Steph Lacuata ng Oriental Mindoro matapos makakuha ng 59.12% combined coach at audience score kontra sa co-teen artist na si Colline Salazar na meron lamang 40.88%.

Steph

Matapos naman ang mahigpit na laban sa koponan ni KZ, lalarga na rin sa finals para sa Team Supreme si Yen Victoria ng Pangasinan, na nakakuha ng 50.64% kumpara sa 49.36% ni Pia Carandang.

Huli namang inanunsyo ang pride ng Bukidnon na si Jillian Pamat matapos maka-iskor ng 60.30% combined score kontra sa co-Kamp Kawayan hopeful na si Nicole Olivo.

Jillian

Sa final round, hawak na mismo ng mga manonood ang kapalaran ng mga teen artists kung sino ang tatanghaling kampeon. Abangan ang voting details ngayong Sabado o i-follow ang "The Voice Teens Philippines" sa FacebookXInstagram, at YouTube para sa iba pang anunsyo.

Sino kina Steph, Yen, at Jillian ang magiging sunod na teen grand champion? Alamin ngayong Sabado at Linggo sa live finals ng "The Voice Teens" sa A2Z, TV5, at Kapamilya Channel. Mapapanood din ito online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC