• SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
Kilalanin ang bagong batch ng young artists na napabilang sa MarTeam, Team Supreme at Kamp Kawayan

Tumulong kay Martin Nievera sina Ogie Alcasid at Klarisse De Guzman sa pangungumbinsi sa dalawang blind auditionees na piliin ang MarTeam sa halip ng Kamp Kawayan.

Parehong umikot si Martin at Bamboo kay Kathryn Ashley Tenorio (11 y.o.) ng Cavite, na kumanta ng “Isa Pang Araw,” at Kzhoebe Nicole Baker (8 y.o.) ng Laguna, na umawit ng “Mabagal.”

Gayunpaman, nabigo sina Ogie at Klarisse na kumbinsihin ang mga bata nang piliin ng mga itong sumali sa Kamp Kawayan.

The Voice Kids

The Voice Kids

Patuloy na pinupuno ng tatlong coach ang kanilang mga team ng mga mahuhusay na batang mang-aawit.

Bukod kina Kathryn at Kzhoebe, pasok sa Kamp Kawayan sina Candice Flores (8 y.o) ng Cavite at Francheska Nora (12 y.o.) ng Batangas.

The Voice Kids

The Voice Kids

Nakuha naman ni Martin si Deion Ang (9 y.o.), na naging viral noong 2017 para sa kanyang cover of "Dahil Sa'yo" ni Inigo Pascual, at Ysabelle Cruz (11 y.o.). Parehong taga-Cavite ang dalawang bata.

The Voice Kids

The Voice Kids

Tinanggap din ni KZ sa Team Supreme sina Rhian Zeph Tiwana (12 y.o.) ng Iloilo, Sab Paica (11 y.o.) ng Batangas, at Savannah Pudadera (10 y.o.) ng Cavite.

The Voice Kids

The Voice Kids

The Voice Kids

Panoorin ang “The Voice Kids” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC ng 7 pm at sa TV5 (Sab at 7 pm, Sun at 9 pm). I-follow din ang “The Voice Kids Philippines” sa YouTube.