• Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
  • Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
Direk Lester, bilib kay Richard at sa cast ng “The Iron Heart”

Bilib na bilib si Direk Lester Pimentel Ong sa angking galing sa pag-arte nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca, Dimples Romana, at iba pang cast members ng "The Iron Heart" kaya naman daw patuloy ang pamamayagpag ng kanilang hit aksyon serye. 

Pagbibida niya, "’Yung actors natin sina Richard, Jake, Dimples, sobrang gagaling. To be honest, I think our actors are best in Asia or maybe the world. They can go toe to toe with the rest of the world in terms of their performances and skill sets. I think it should be fair for us filmmakers and creators to be at our best to showcase them." 

The Iron Heart

The Iron Heart

The Iron Heart

Simula noong Nobyembre nang nakaraang taon, labis nang tinutukan at kinapitan ng manonood ang kwento ni Apollo (Richard Gutierrez) dahil sa matindi at pasabog na action scenes ng programa. 

Para nga kay Direk Lester, pinatutunayan ng "The Iron Heart" na kaya ng makipagsabayan ng mga action series ng bansa sa international stage. 

"Dati many producers are shying away from doing action movies or series kasi matrabaho at mahal. Dito na prove namin na kaya namin gumawa ng quality action series with the same budget and time ng drama series. Ang goal namin (sa 'The Iron Heart') is itawid yung Philippine action movies or series sa new age," saad niya. 

Binigyan diin niya na kailangan ng content producers na sumabay at baguhin ang kanilang pamamaraan sa paggawa ng action series para tangkilikin ang kanilang show ng manonood lalo na napakaraming pwedeng panoorin ang mga tao ngayon gamit ang kanilang cellphones.

"We really need to level up the quality kasi marami na talagang ka-kumpitensya. If we don't attempt to elevate the game of the Filipino action series baka mawala tayo sa existence," dagdag niya. 

Nagbubunga rin ang kanilang pagsisikap at pagmamahal sa trabaho para mapaganda ang programa, lalo pa sa sunod-sunod nitong pagbasag ng kanilang live viewership record. Nitong Lunes (Agosto 14) nga ay nakuha nila ang panibagong live viewership record na 341,748 live concurrent views. 

The Iron Heart

Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

*Photos credit to direklester IG