• Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
  • Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
Bakbakang Richard at Jake sa The Iron Heart, tatapusin sa Japan

Dadalhin nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca ang kanilang viewers sa Japan kung saan mangyayari ang huling misyon ni Apollo (Richard) sa hit aksyon serye na "The Iron Heart."

The Iron Heart

The Iron Heart

The Iron Heart

The Iron Heart

Labis ang pasasalamat ni Richard sa patuloy na pagsubaybay ng manonood lalo na ang papuri na kanilang natatanggap araw-araw. 

"Nakakatuwa nako-compare tayo sa international pero ang objective namin talaga dito is to tell our own story and create a different flavor of action for Filipinos all over the world, to show we can be proud of, na kaya rin ng Pinoy gumawa ng ganitong klase," saad niya. 

Para sa kanya, ang "The Iron Heart" ang kanyang best action project kung saan nailabas niya ang kanyang full potential sa paggawa ng action scenes.

Nagbunga naman ang kanilang paghihirap dahil lubos na kinapitan ng manonood ang kanyang serye kaya naman umani sila ng mahigit 600 milyon views sa iba't ibang social media platforms. Bukod pa rito ang pagtre-trend ng kanilang mga eksena pati na rin ang tweets at posts tungkol sa mga plot twist ng kwento ni Apollo. 

Nitong Biyernes (Oktubre 6) lamang, ikinagulat ng manonood ang planadong pagpapa-ikot ni Apollo sa buong Tatsulok na labis na pinag-usapan sa iba't ibang social media platforms.

Todo puri ang netizens sa creatives ng show at artista nito dahil hindi nila inakala na pagpapanggap lang pala ni Apollo ang pagpanig kina Priam (Albert Martinez) para makuha ang loob nito at malaman ang impormasyon tungkol sa Altare. 

Sa huling misyon nito, gagawin ni Apollo ang lahat ng kanyang makakaya para tugisin na si Eros at pagbayarin sa mga kasalanan nito. 

Abangan ang huling linggo ng "The Iron Heart," tuwing Lunes hanggang Biyernes sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.