• MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
  • MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
Nash, inaming siya ang pumatay kay Albert sa “The Good Son”

 

Nagkaroon na ng kasagutan ang bawat tanong ng mga manonood dahil inamin na ni Calvin (Nash Aguas) na siya ang utak sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez) sa “The Good Son.”

 

Dahil sa patuloy na pag-usig sa kanya ng kanyang konsenya, hindi na napigilan pang ilahad ni Calvin sa kanyang psychiatrist ang paglason niya kay Victor. Inilahad niya kung paano niya nilagyan ng kemikal ang inumin ng kanyang amain bilang ganti sa patuloy nitong pananakit sa ina niyang si Oliva (Eula Valdez).

 

 

Mas lalo ring naging emosyonal si Calvin matapos niyang ilarawan kung paano siya inudyok ng mga boses na kanyang naririnig upang gawin ang krimen, na nagpapatunay sa lalong lumalalang kundisyon niyang schizophrenia.

 

Dahil naman sa rebelasyong ito, hindi makapapayag si Joseph (Joshua Garcia) na basta na lamang hayaan si Calvin na makakawala at sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ito sa kanyang kasalanan.

 

 

Ngunit magiging kasangga naman ni Calvin si Olivia at kapatid nitong si Enzo (Jerome Ponce) at pilit siyang poproteksyunan upang maiwasan ang pinsalang maidudulot nito sa kanyang kundisyon.

 

Ano nga ba ang kahahantungan ni Calvin ngayong alam na ang kanyang kasalanan?

 

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.