• MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
  • MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
Private I: Olivia Gesmundo-Buenavidez

Sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na "The Good Son," pumanaw si Victor Buenavidez (Albert Martinez) nang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso pagkatapos niyang malason sa selebrasyon ng kanyang kaarawan. Sa krimeng ito, lahat ng mga Buenavidez at Reyes ang maaaring suspek. Sino kaya ang naglason kay Victor? Saan galing ang lason? Sa kanyang ininom na alak sa party ng mga Buenavidez o sa kanyang kinain na pansit sa salu-salo ng mga Reyes?

Isa sa mga pinagbibintangan ay ang kanyang esposa na si Olivia (Eula Valdez), ang ina nina Enzo (Jerome Ponce) at Cal (Nash Aguas). Maaaring ang kanyang galit sa asawa ang nagtulak sa kanya upang gawin ang krimeng ito. Kilalanin natin si Olivia at alamin ang mga posibleng ebidensya upang mapatunayan na siya nga ang naglason kay Victor.

- Matindi ang kanyang galit nang malaman niya na may iba pang pamilya si Victor at hindi siya sapat

- May nararamdaman siyang inggit dahil mas pinagkatiwalaan ng kanyang ama si Victor kaysa sa kanya

- Maaaring nilason niya si Victor dahil ayaw niyang masaktan ang mga anak niya at malaman nila na may iba pa siyang pamilya

- Ayaw niya maging kahati si Victor sa mga ari-arian nilang mag-asawa kaya rin inurong niya ang petisyon na pagpapawalang bisa ng kasal nila

- Baka tinulungan siya ni Dado (Jeric Raval) na driver nila dahil may nakaraan sila

- Posibleng nalason niya si Victor dahil sa panunulsol ng kanyang ina na si Matilda (Liza Lorena)

- Ayaw niyang maranasan ang kahihiyan na kanyang haharapin dahil sa ibang babae ng kanyang asawa

- Dahil ibinigay niya ang lahat kay Victor at isinuko niya ang lahat para sa pagmamahal niya sa kanya

Sapat na ba ang mga impormasyon na 'to para patayin niya ang kanyang sariling asawa? Si Olivia nga kaya ang tunay na gumawa ng krimen? Sabihin ang inyong mga haka-haka at sumali sa mainit na diskusyon dito sa The Good Son: Private I.