• MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
  • MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
Private I: Raquel Reyes

Sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na "The Good Son," pumanaw si Victor Buenavidez (Albert Martinez) nang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso pagkatapos niyang malason sa selebrasyon ng kanyang kaarawan. Sa krimeng ito, lahat ng mga Buenavidez at Reyes ang maaaring suspek. Sino kaya ang naglason kay Victor? Saan galing ang lason? Sa kanyang ininom na alak sa party ng mga Buenavidez o sa kanyang kinain na pansit sa salu-salo ng mga Reyes? Isa sa mga pinagbibintangan ay ang kanyang kabit na si Raquel (Mylene Dizon), ang ina ni Joseph (Joshua Garcia). Maaaring ang kanyang galit sa minamahal ang nagtulak sa kanya upang gawin ang krimeng ito. Kilalanin natin si Raquel at alamin ang mga posibleng ebidensya upang mapatunayan na siya nga ang naglason kay Victor. Labis ang sakit na naramdaman niya nang malaman na siya ay kabit pala ni Victor dahil may asawa na pala ito

- Sa sobrang pagmamahal niya kay Victor, hindi niya kaagad namalayan na siya ay kabit lang pala nito. May     matinding galit kay Victor dahil matagal na itong hindi naging ama kay Joseph

- Maaaring nilason niya si Victor dahil sa kanyang magulong nakaraan

- Muntik na niyang mapatay ang kanyang amo noon dahil pinagtangkaan siyang pagsamantalahan nito

- Maaaring gusto na niyang makuha ang kayamanan na mamanahin ni Joseph mula sa ama nito

- May matinding takot siya na mawala si Joseph dahil baka kukunin ito ni Victor sa kanya

- Sa sobrang pagmamahal niya kay Joseph, nais na niyang wakasan ang sakit na nararamdaman nito dahil kay Victor

Sapat na ba ang mga impormasyon na 'to para patayin niya ang kanyang minamahal? Si Raquel nga kaya ang tunay na gumawa ng krimen? Sabihin ang inyong mga haka-haka at sumali sa mainit na diskusyon dito sa The Good Son: Private I.