• MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
  • MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
Imbestigador sa kaso ng ama ni Joshua, pinatay ni Jeric sa “The Good Son”

Mas magiging mahirap ang daan ni Joseph (Joshua Garcia) tungo sa katotohanan ngayong patay na si SPO1 Colmenares (Michael Rivero) matapos itong madugong kitilin ni Dado (Jeric Raval), ang driver at kalaguyo ni Olivia (Eula Valdez) sa “The Good Son.”

Bago pa malaman ng imbestigador ang tunay nilang ugnayan ni Olivia, siniguro ni Dado na hindi na ito makakapagsalita pa at agad itong pinatay gamit ang buo niyang lakas. Sa pag-aakalang tapos na ang kanilang kalbaryo, magiging balakid naman sa kanila ang kapatid ding pulis ni SPO1 Colmenares na bagong hahawak sa kaso ng pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).

Samantala, kumpirmado na nga ni Enzo ang namamagitan kina Olivia at Dado matapos niyang mahuli ang dalawa sa aktong paghahalikan, kaya naman lubos ang naging galit niya sa panlolokong ginawa ng kanyang ina.

Sa kabila naman ng sama ng loob, pinili pa rin ni Enzo na pagtakpan ang kasinungalingan ng ina at inilihim sa awtoridad ang natuklasan niyang rebelasyon.

Sa gitna naman ng kaguluhan, kasa-kasama ni Enzo si Joseph (Joshua Garcia) at tinanggap siya sa kanilang tirahan upang maiparamdam na mayroon siyang kadamay sa pinagdaraanan niyang problema.

Ano na nga ba ang mangyayari sa imbestigasyon ngayong wala na si SPO1 Colmenares? Hanggang kailan itatatago ni Enzo ang katotohanans?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.