• MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
  • MONDAY-FRIDAY AFTER IT'S SHOWTIME!
Pampamilyang kuwento ng The Good Son mas pinanood

Mas maraming Pilipino sa buong bansa ang agad na tumutok at lumuha sa mga eksena ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na “The Good Son,” kaya naman nanguna ito sa national TV ratings sa pag-uumpisa nito noong Lunes (Sep 25).

Dahil nga sa kwento nitong kumurot sa puso ng mga manonood, nagkamit ang serye ng national TV rating na 18.1%, kumpara sa katapat nitong “My Korean Jagiya” na nakakuha lamang ng 10.9%, base sa datos ng Kantar Media. Naging patok din sa social media ang palabas matapos makasama sa listahan ng trending topics ang official hashtag nitong #TGSTheBirthday sa Twitter at umani ng libo-libong tweets.

Sari-saring papuri rin ang natanggap ng “The Good Son” mula sa netizens para sa kalidad ng kwento at husay ng cast nito.

“Congratulations sa buong cast ng #TGSTheBirthday. Nakakaiyak, mapapaisip ka, nakakatuwa kasi tungkol ito sa pamilya,” sabi ng Twitter user na si @riego_rhea.

“Wala kang clue kung sino ba talaga ang pumatay. Ang galing ng pagkaka-execute ng scenes. Hindi kasya ang isang oras,” tweet naman ni @ForteBaba.

“Ang daming dapat abangan. First episode pa lang may twist agad. Congrats,” papuri naman ni @asharybb.

Nakilala na nga ng mga manonood ang apat na anak mula sa dalawang pamilya na sina Joseph (Joshua Garcia), Obet (McCoy De Leon), Enzo (Jerome Ponce), at Calvin (Nash Aguas) sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang amang si Victor (Albert Martinez), na nauwi sa pagluluksa nang hindi inaasahang atakihin ito sa puso. Dahil sa trahedya, mag-uumpisa nang mabulgar ang mga sikretong itinago ni Victor na magdadala naman ng matinding pagkakagulo sa kanyang pamilya.

Ano nga ba ang katotohanan sa pagkamatay ni Victor? Paano ito makakasira sa maayos na buhay ng kanyang dalawang pamilya? Anong kapalaran nga kaya ang naghihintay sa apat niyang anak?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.