• LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
  • LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
Ato at Arabelle, kumumpleto sa grand finalists ng Tawag ng Tanghalan

 

 

Tagumpay ang laban nina na makarating sa huling tapatan ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime matapos nilang tanghaling grand finalists sa pagtatapos ng ultimate resbak round noong Sabado (May 26). 

Sila ang dalawang natirang matibay matapos ang isang linggong nakakatensyon at tinutukang ultimate resbak o wildcard round kung saan natalo nila ang 14 na dating semifinalists na kanilang nakatapat.

Sa pagtatapos ng resbakan, nakamit ni Ato ang 100% na combined score mula sa pinagsamang judges’ scores at madlang peoples votes, habang 78.04% naman ang nakuha ni Arabelle. Parehong panalo ng P150,000 ang dalawa.

Masasaksihan ang kanilang laban para sa kampeonato sa huling tapatan ng “Tawag ng Tanghalan” na magsisimula na sa Lunes (Mayo 28).

Dito, makakatapat nila ang pinakamahuhusay na pandaigdigang tinig nina Jovany Satera ng North Cotabato at Alfred Relatado ng Davao Occidental (Quarter 1), Anton Antenorcruz ng Parañaque at Remy Luntayao ng Negros Occidental (Quarter 2), at Tuko Delos Reyes ng Aurora at Sofronio Vasquez ng Misamis Occidental (Quarter 3).

Makakabanggaan din nila sa isang linggong grand finals ang global grand finalists na sina Steven Paysu ng California, USA at Makoto Inoue ng Japan, at Janine Berdin ng Cebu at Reggie Tortugo ng Ormoc, Leyte (Quarter 4).

Huwag palampasin ang huling tapatan kung saan malalaman na kung sino sa kanila ang tatanghaling pinakabagong grand champion ng “Tawag ng Tanghalan” na makikilala sa susunod na Sabado (Hunyo 2).