• LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
  • LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
Randy Santiago, nagbabalik-noontime bilang hurado sa “Tawag Ng Tanghalan”


Tinawag siyang Mr. Shades, Ratsky, at Yangku sa higit 30 taon niya sa industriya. Ngayon naman, dadagdag sa mga titulo niya ang pagiging pinakabagong hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa pagbabalik niya sa noontime.

Muling masisilayan ng mga manonood ang minahal nilang sikat na music at performing icon mula 80s at 90s bilang isa sa mga kikilatis sa mga pangmalakasang boses sa pinakamalaking singing competition sa bansa sa “It’s Showtime.”

Mainit na sinalubong si Randy ng hosts ng programa at hindi rin siya nagpatalo sa kanyang astig na pagmomotorsiklo at performance sa kanyang grand entrance noong weekend. “Magiging pantay ang pagtingin ko sa inyo,” biro pa ni Randy sa mga contestant na magpapasikatan sa tanghalan.

Bukod sa panonood, maaari na ring manalo ng cash prize na P5,000 ang mga sumusubaybay sa bahay kapag nahulaan nila nang tama sa pamamagitan ng text kung sino ang magwawagi kada araw.

Para mag-register sa pinakabagong pakulo na “Tawag ng Tahanan,” i-text lang ang TNT (space) PANGALAN, EDAD, KASARIAN, ADDRESS at i-send ito sa 2236.

Para naman pumili ng mananalo, i-text lang sa 2366 ang TNT (space) DAILY kung pambato ang daily winner, at TNT (space) DEFENDING naman kung pambato ang defending champion.

Bukod sa dalawang pasabog, ipinakita rin sa madlang people ang bagong gong na siyang aalingawngaw kapag nasintunado ang mga kalahok.

Maaari mapanood ang kumpetisyon online sa Showtime.abs-cbn.com/Livestream.

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).