• LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
  • LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
Elaine at Ranillo, tuloy ang laban sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan


Sina Elaine Duran at Ranillo Enriquez ang pinangalanang unang grand finalists ng ikatlong taon ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” matapos nilang magwagi sa Quarter 1 semifinals ng kumpetisyon noong Sabado (Okt 6).

Matapos gumawa ng kasaysayan bilang “TNT recold holder,” ipagpatuloy pa ni Elaine ang pagbabahagi ng kanyang talento matapos siyang makakuha sa semifinals ng pinakamataas na combined score mula sa madlang people text votes at hurado scores na 97.57%. Pasok na rin sa grand finals si Ranillo na nakakuha ng 57.77%.

Sa naganap na semifinals, nagbigay ng inspirasyon sina Elaine at Ranillo nang ibahagi nila na kinailangan nilang labanan ang pagdududa at kawalan ng kumpyansa sa sarili para abutin pangarap at sumali sa “Tawag ng Tanghalan.

Parehong nakakuha ng tig-P150,000 si Elaine, na mula Butuan City, at si Ranillo na galing Cebu.

Patuloy na subaybayan ang pasiklaban sa kantahan sa “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.