• LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
  • LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
Steven Paysu at Makoto Inoue, handa nang itayo ang bandera bilang kauna-unahang global representatives sa grand finals ng pamosong kompetisyon na mapapanood sa TFC worldwide

 

Matapos ang semi-final round noong Disyembre kung saan nagtapatan ang region finalists mula sa iba’t-ibang bansa at kung saan itinanghal sina Steven Paysu ng North America at Makoto Inoue ng Japan bilang first ever global representatives, magbabalik naman sila sa “It’s Showtime” stage para sa Huling Tapatan ngayong June 2 (Manila time).

 


Magkaiba man ang bansang pinanggalingan, pinagtagpo sila ng tadhana at ngayon ay itatayo ang bandera ng mga global Pinoys sa darating na grand finals na mapapanood worldwide (maliban sa ilang bansa) sa The Filipino Channel (TFC).


Unang kabilang sa top 11 ng region semi-finals sa North America, pagkakataon ang nagtalaga kay Paysu bilang maging isa sa dalawang region finalists na lumipad papuntang “It’s Showtime”.  At nitong December, dahil naman sa kaniyang kakaibang singing performances at stage presence, itinanghal ang dating band singer bilang finalists at isa sa dalawang global representatives sa tinaguriang “all-time favorite search for outstanding amateur talents”.


Sa isa sa kaniyang performances, mismong ang punong Huradong si Ogie Alcasid ang namangha at nadala sa pag-awit ni Paysu ng kaniyang orihinal na awiting “Bakit Ngayon Ka Lang”.  Paghangang hinatid ng singer-songwriter na may kahalong biro: “Mas magaling siya sa akin. Iba eh. Alam mo kasi, ang mga awitin at kung songwriter ka, parang anak mo iyan.”  Dagdag ni Alcasid: “Kapag may ibang kumanta at parang inaangkin nila, parang inampon nila, hindi ko madescribe ang feeling — nakakatuwa, nakakahumble.”


Namangha man sa kaniya si Alcasid at ibang judges, laking gulat din ni Paysu dahil sa mga pangyayari sa mga nakaraang buwan.  Ani Paysu na ngayo’y isang American Red Cross lab technician: “Now, I get a lot of attention from our fellow Filipinos and also I have a lot of friend requests on Facebook. People try to reach out to me and my wife.”


Higit sa pagpapakilala, ikinatuwa niyang may naibahagi siya at ang kaniyang asawang si Melanie sa buhay ng mga bagong kaibigan “We were told that we were an inspiration to them. It’s a big blessing being a part of Tawag ng Tanghalan”.


Samantala, si Inoue naman na strong contender noong region finals pa lamang ay nakakuha ng attention ng mga judges sa kaniyang charming personality at voice quality.  Sapat ang kaniyang performance upang mapasambit si Hurado Mitoy Yonting ng “See you in the finals.”

 


Nagkatotoo ang prediksyon ng “The Voice of the Philippines” winner at sa Hunyo ay muling magpapakitang gilas ang public school teacher at makakatapat ang iba pang finalists mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

 


Laking gulat din ni Inoue sa kaniyang pagkakapanalo: “I am still surprised at the outcome of my journey and I am just excited for what’s waiting for me in ABS-CBN, back in the Philippines.”


Dagdag ni Inoue, “It (Tawag ng Tanghalan) has definitely changed my life. The moment I became a grand finalist, I started to believe in myself again. I almost gave my dreams up. I was rejected and turned down but TnT gave me an opportunity to fight for my dreams and a few steps closer closer to my dream.”


Ngayong June, sundan ang pagpapatuloy ng mga pangarap nina Inoue at Paysu sa Huling Tapatan ng Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime” sa kanilang pakikipagharap sa iba pang mga finalists na sina Tuko delos Reyes (Luzon), Sofronio Vasquez (Luzon), Jovany Satera (Mindanao), Alfred Relatado (Mindanao), Anton Antenorcruz (Luzon), Remy Luntayao (Visayas) at Reggie Tortugo (Visayas) kasama ang bagong tanghal na grand finalists na sina Janine Berdin at Reggie Tortugo (both from Visayas).


Sino naman sa mga natitirang resbakers ang matitira pa matapos silang pagtapatin ng TnT contestants na nasa seat of power ngayon na sina Ato Arman (Mindanao) at Arabelle dela Cruz (Luzon)? Sino kina Aljun Alborme (Mindanao), Christian Bahaya (Mindanao), Mark Michael Garcia (Metro Manila), Boyet Onte (Luzon), and John Raymundo (Metro Manila), at Aila Santos (Mindanao) ang maiiwan?

Panoorin ang Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime” sa TFC at sa livestreaming via TFC online www.TFC.tv worldwide (maliban sa ibang bansa). Manood din ng live airing dahil doon ia-anunsyo ang voting period.


Maaaring bumoto ang mga kababayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagboto sa tntvote.abs-cbn.com.  Kailangan munang gumawa ng Kapamilya account upang makaboto. Maaaring bumuto ng isang contestant per day lamang.


Para sa karagdagang updates tungkol sa Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime”, bisitahin ang mytfc.com o ang official TFC Facebook page sa inyong area.  Maki-connect sa kapwa global Filipinos at i-follow ang KapamilyaTFC and KapamilyaGlobalPR.